Friday, February 24, 2006

State of Emergency = Martial Law??

february 24, 2006!

1 day before the celebration of the 20th anniversary of EDSA "People Power 1" ....

history did repeat itself...

when i woke up today, i checked my cellphone to see what time is it, but i saw several messages saying that classes are suspended in all year levels, i quickly rushed to the living room and opened the tv, there i saw Karen Davila saying "sinuspinde po ang klase sa lahat ng antas ayon sa deped!". haha! ang saya ko, walang pasok!! yet, nagtaka ako, what happened at bakit walang pasok ngayon??(hmm...) , then later i found out that there was a coup attempt!! woah! nakakagulat, i didn't expect that to happen..kasi parang wala namang nangyayari diba? tapos biglang ganyan na balita..

anyways, kahit na walang pasok, i still went to school to be with stephen and calvin for their mtap competition. :) but when i was on the way to school, i saw willard (with his dad) going home!! tpos pag dating ko sa school, nalaman ko na cancelled na rin pala yung mtap! haha! so we decided na kumain muna sa jollibee and after that, i went home!

at around 11 am.. President Arroyo made a statement saying that she is declaring a state of emergency because of the clear threat to the nation. then after nun, all the rallists are being dispersed and the leaders of the rallists are being caught and send to camp karindal. woah!

after this incident, napaisip ako, martial law ata ito eh.. because based on the bill of rights, all persons are innocent until proven guilty and andyan ang writ of habeas corpus.. tapos hinuli si randy david and company without any reason?? ang labo!! wahh!!!

I really pray that our country will resolve this crisis we are now facing!!

pahabol lang..

napadaan ako sa blog ni sir carlo nerecena, tapos nakita ko yung forecast nya para sa mtap sectorals...

sa 4th year, kasama sa top 3 ang sshs!! haha!! kahit na ako yung 3rd person (3rd wheel haha!) dun sa 2-man team na iyon, nakakatuwang isipin, kasama sa napili yung sshs.. hehe!!

ang daming magagaling dyan eh..
uno(gian/austin)
jubilee(emon/lennart)
san beda(leo/johnc)
grace(emerson/galvin)
ateneo(ec/tin)
pisay(dajac/ortega) hehe!!

anyways, good luck ang god bless kay stephen at calvin sa quest for the national finals. :D

at pati na rin sa ibang teams.. =D


cancelled din pala ang pem bukas, so cancelled din yung pem contest!
(ewan ko kung kailan na..)

sige.. till here nalang, God Bless! ingat! =)

Tuesday, February 21, 2006

First Post!

--This is the Start of my First Post--

18 school days na lang .. graduate na ako sa st.stephen's high school! hahaha!

pero may nangyari kanina na sa tingin ko ay hindi ko na-expect na mangyayari sa buong stay ko sa sshs..

well, ito yung buong kwento..

last february 10, 2006.. nagcontest kami sa pisay! ( ako, calvin, stephen chaka si hans).. pero nung day na rin na iyon, nakaschedule yung standardized test sa physics.. siyempre we expect na meron ngang make-up test.. pero hindi inaanounce sa amin, wala ngang clear instruction eh, ewan ko kung bakit hindi inaanounce sa amin kung kailan talaga yung time ng test..

so yun na.. pero pag dating ng february 16, mga 12 noon, kakatapos ko lang kumain nun, nasa library ako noon, nagbabasa ng newspaper, nagulat nalang ako sa sinabi sa akin ni hans! " Ren, test daw tayo ng physics ngayon, 8th and 9th period!". Nagulat ako kasi ako pag may test, may ritual ako na dapat ay nagrereview ako.. hindi ko alam kung bakit, pero ganun talaga ako eh.. kasi parang kung hindi ako nagreview, parang hindi ako sure sa mga sagot ko eh ( ganun naman ata lahat ng tao eh!) so parang pumasok sa utak ko nun na "lagot na!". tapos after nun, nakipagusap kami sa mga teachers at sa huli ay nagkaroon kami ng agreement at hindi kami nagtake nung test that day at irereschedule nalang ang test.

tapos kanina, nagulat nalang kami na sinabi sa amin na kung magtatake man kami, bagong set na ang itatake namin, at isa pa kung mataas man kami, hindi na kami bibigyan na medal! wahh!! after that announcement, i'm shocked.. grabe, hindi ko alam ano gagawin ko, first time yan nangyari sa akin na ako ay natanggalan ng chance magkamedal, ang dahilan ay kasi nga hindi kami nagtake nung unang test at as a result, tinanggal na nga sa amin yung chance na kami ay magkamedal, kung sakali..

pero ok lang naman sa akin yan eh.. alam ko naman na may mali talaga ako na hindi ako nagtake nung test na yun eh.. pero ang point ko is that lugi talaga kami dahil una ay, yung ibang students, alam nila yung time at date na magtetest sila, so siyempre makakaprepare sila ng mabuti for that, eh kami naman, hindi ko alam kung bakit hindi sinabi sa amin yung time and date ng test, eh 'di ang labas nun ay "surprise physics standardized test". lugi naman yun para sa amin especially nasa violet pa kami, ang hirap ng competition. tsaka isa pa, mahirap para sa amin na ifocus yung sarili namin for mga 30minutes lang para magtake ng test kasi nung time na yun, madaming mga quizzes at seatworks, so mahirap magadjust. At yung argument nila is kaya daw hindi nila sinabi yung date and time is baka daw magcheat kami at tanungin namin yung mga answers. pero siyempre, NEVER namin gagawin yun kasi hindi ganyan ang trait na tinataglay ng isang christian. but still, I respect their decision na ganun ginawa nila.. pero sana gusto ko lang na sana ay next time, mas maging clear ang school sa pagaanounce ng mga date and time kung may magmmake-up test kasi talaga, malaking disadvantage sobra dun sa magtatake kung hindi niya alam kung kailan yung test.

Anyways, kahit na wala akong medal, ok lang naman yun sa akin eh.. kasi mas importante naman kung natututo ka kahit wala kang medal kesa naman sa may medal ka nga, hindi ka natuto! (pero pwede ba mangyari yun? haha!) .. at least now, i have experienced this problem at sana huwag niyo akong gayahin sa ginawa kong kalokohan..

-- THE END --

also today, nagtest kami ng FIRST as in "UNANG" quiz namin sa computer and with the help of the Lord, naperfect ko! hehe!! (ang nerd ko, haha!!)

kanina din pala, may kalokohan akong nagawa.. hindi ako nakababa sa flag raising.. kasi gumagawa ako ng filipino assignment, eh wala ako kahapon sa class, at yung pinapaanswer ay nasa bagong book, eh yung book ko lumang el fili.. tapos hindi ko namalayan na nagfflag na pala!! kasi hindi tumunog yung music na hudyat na ng flag raising!! pero ok lang, may kasama ako sa classroom eh.. si norben, jackmon at calvin(maaga nga pumasok, hindi din naman nakaflag-raising)! hehehe!!

God Bless! Take Care!


--This is the End of My First Post--