Sunday, April 16, 2006

Day Four!

April 12, 2006 * Wednesday *

Last day na! uuwi na!!

Nagising ako around 5:30am, sobrang dami pa hindi naliligo! wahh! pano na yan? pero buti nalang, at around 6 nakaligo na ako, kahit clogged yung drainage, and sakto lang at around 6:20am, tapos na ako!

Outfit
  • Antipolo Shirt
  • Maong Pants
  • White K-swiss shoes

Breakfast 6:30am to 7am...

Food
  • Corned Beef
  • Soup
  • Egg
Study Hour 7am to 8:30am...

pero instead of studying, naging picture taking time ito! kasi tinitry nila sir ang na ispell out ung M-T-G! sumobra pa nga yung time para dito at nagalit pa si sir Chu! and because of this, kulang time namin sa part 1!

Final Exam Part 1 8:00am to 9:00am...

4 questions lang, more on logic.. ok naman yung test, kaso nabitin ako, sa numbers 3 and 4, hindi ko natapos, kasi late na nga nakapagstart, tapos dumating pa si sir Chu, sabi niya No Extensions daw! tapos kung kulang daw yung time, sisihin daw sa iba, huwag daw sa kanya!

Break 9:00am to 9:30am...

naghintay lang ng next proctor...

Final Exam Part 2 9:30am to 11:00am...

10 questions, pero mas ok kaya sa first part! more on geometry siya.. pero mas ok siya para sa akin, kesa dun sa 1st part! mahirap ang part 1 and 2!

lahat kami nahirapan!!

Cultural Presentation Preparation 11:00 to 12:00nn...

Ginawa lang namin dito ay nagdiscuss ng answers at naglakad lakad hehe!=D

During this time, natuto din ako kung paano maghack! hehe >=)

Nagpicture-taking din!>.<

Lunch 12nn to 1pm...


Food

*Nakalimutan ko na yung food eh*

Cultural Presentation 1pm to 3pm...

Dapat ay hindi kami sisipot dito, pero siyempre, dumating nanaman si sir ang, so yun, need uli!

Paglabas namin, tinry namin bumalik, pero no chance kami bumalik, nakabantay eh!

So nanood nalang kami, astig si paeng perea sumayaw! idol! ang galing! parang walang buto, si kerish din! hayop! =D yung presentation naman ng CKSC center, ang corny eh.. =D hindi kasi kami yung nagperform! haha! Joke! =p

During this time, kinakabahan na ako kung papasok ba ako!

Break 3:00pm to 4:00pm...

During this time, super kinabahan na talaga ako! grabe! sobrang kakatakot.. nakipagkwentuhan nga pala ako kina cheng, calvin, mico, jeremy at EC during this time!

Closing Ceremonies 4:00pm to 6:00pm...

This is it! The moment of truth!

After magspeech ni Doc Ed, Sir Sid, Kuya Carlo, Pamillo, Jomo, Ceralde...

Nagannounce na ng mga pasok!

at thank God! kasama ako! hehe! =D


After ng closing, nakausap namin si Dok Chu, sabi niya 6 lang daw ako sa homework sa kanya, tapos si stephen daw kopya lang daw at 4 ung score.. ang mataas daw ay si abi, alvin, nellie.. "diyes" tapos daniel "9.5" tapos mico "9" haha! (over 10 yan!)

After nun, nagpaalam na ako kay Dok Chu, Sir Ang, Sir Buiza, at sa mga ibang mtgkids at ako ay umuwi na patungong maynila! =D

kita kits nalang sa summer training!

==End of In-House==

God Bless! Thanks for reading!
Ingat!

Saturday, April 15, 2006

Day three!

April 11, 2006 * Tuesday *

Outfit
  • Red Oxygen Shirt *itong shirt na ito ay galing ng zamboanga!* * Birthday ni Jeremy eh *
  • Maong Shorts
  • Slippers
Mga 4:30 am na ako nagising... then at around 5am, tapos na ako... then after that, natulog uli ako hanggang magstart yung breakfast...

Breakfast 6:30am to 7:30am...

Food:
  • sausage
  • egg
  • mallows
  • soup * dito nagstart ung nawala na ung lasa ng mga soup *
*During this time, nakita na ako ni Dok, sabi niya ako daw yung nagmisscall, dineny ko agad, sabi niya ako daw yun, guilty daw ako kasi dinedeny ko daw kaagad! *


Sixth Session 7:30am to 9:30am...
Teacher: Nakalimutan ko ung name eh..
Lesson: Quadratic equations and functions

Nakakatamad tong lesson na to, tapos sabay inaantok pa ako, talagang wala ako sa sarili, itong session din pala, late sila stephen, kaya dun sila sa likod umupo! 7:30am na, kumakatok ako sa door ng room nila, walang nagbubukas, grabe! kaya yun, late sila! hehe =D after nitong session na to, bumalik ako sa room upang matulog ng saglit, sobrang iantok ako! nagbigay din nga pala itong teacher na to ng dalawang assignment!

Break 9:30am to 10:00am...

Bumalik lang ako sa room, tinry ko matulog, pero di gumana, bumalik na ako ng class!

Seventh Session 10:00am to 12:00nn...
Teacher: Sir Steve
Lesson: Coordinate Geometry

Well, ayos din naman yung lesson, hehe! =D kaso during this time, inaantok pa rin ako, pero ok tong teacher na to! binigay niya ung homework habang nasa gitna ng class, so nung sinabi na nya ung homework, ginawa ko na agad, and at the end ng session, ung isang part na lang hindi ko nasasagutan, kasi hindi ko alam kung ano ang "locust" eh! hehe!=p anyways, ayos naman magturo si sir steve, pero ayos ng buhok niya eh.. straight! tapos kamukha pa niya si kerish! hehe =D astig!

Lunch 12:00nn to 1pm...

Food
* nakalimutan ko na din ung food dito eh *

Study Hour 1pm to 2:30pm... * pero naging hanggang 2pm lang *

During this time, instead na mag-aral kami, naglalaro nalang kami ng cards, hehe!=p at around 1pm, may pumasok sa room, sinabi na 2pm daw start na ng test namin, then 5 minutes later, pumasok si sir ang, sabi niya 3:00pm pa daw yung test, pagtapos, un pala, mali si sir ang, at talagang 2pm ang test! and at around 1:55pm, pumasok si Sir Chua, sabi niya, line up na, magtetest na!

Quiz Number Three (Canadian Euclid Exam ) 2:00pm to 5:00pm

Ayos naman yung test ko, kaso problema ang init init ng lugar ko, by the way, 2 per table lang kami, para daw hindi magcheatingan, hehe!=p sorry, yung katable ko, hindi ko kilala! basta girl, hehe!=p basta ginamit ko yung buong three hours, pero si bhojwani, 1hour 30minutes lang ginamit niya! astig talaga yun! ang bilis mag-math! tapos 1 to 8 daw nakuha niya!

Visiting Hour 5:00pm to 6:00pm...

Dumating na yung hinihintay namin! Party Time! Dumating na yung tatlong pizza ni Jeremy! 2 boxes for us, and yung isang box, para sa mga mtg teachers at officers! yun, kumain kami sa room nila stephen, at the same time, nagdidiscuss ng mga answers, during this time, nagkwkwentuhan din kami ni alister tungkol dun sa trigo quiz! =p First time din pala, nagkajoke si alister! hehe!=p

Dinner Time 6:00pm to 7:00pm...

Food
  • Pork
  • Soup
  • Lumpiang Ubod
Eighth Session 7:00 to 9:00pm...
Teacher: Di ko alam yung name eh...
Lesson: Combinatorics

ayos yung teacher, mabait, nagbigay din siya ng seatwork sa amin, instead of assignment at isa pa ayos yung seatwork, madali lang! hahaha! =D ok naman siya magturo, tapos medyo nagpapatawa pa.. ang bilis nga nung oras nung siya yung nagtuturo eh.. then, before matapos, may pinagawa, pinaanswer kami lahat, kung ano daw ba life lessons that we can learn in mtg! hehe! after that, tapos na yung session!=D

pag balik sa room, gawa muna ng assignment, at around 10pm, nagsubmit na ako ng assignment, tapos nakipagdaldalan sa labas.. pati ni rin kay Sir Chu! pinapapasok na kami sa room, kung hindi daw! ZERO na kami bukas! wahahaha! =)) so yun, kwentuhan dito kwentuhan dun! hanggang sa nakipagkwentuhan nalang kami kay sir arvee sa loob ng room tungkol sa mga courses sa UP diliman! hehe! at around 12 umalis na si sir arvee.. bago siya umalis napuna niya ung ibang klaseng istilo sa pagtutulog ni Luke! hehe! =D

pag-alis ni sir arvee, nagkwentuhan pa kami sa mga contest na pwedeng salihan, then at around 1am, natulog na ako!

-- End of Day Three --

God Bless!
Ingat!

Day two!

April 10, 2006 * Monday *

Outfit:
  • pi shirt
  • maong pants
  • slippers
I woke up at around 3:30 am! ang aga noh! anyways, halos lahat sa amin gising na! parang mali nga eh, sobrang aga! at around 4 am, pumasok na ako ng cr para maligo, and at around 4:15 tapos na me maligo, tambay muna sa room, then at around 5am, lumabas kami ni jeremy para gisingin sila stephen! Pag labas namin, sobrang dilim pa! (wala lang!) anyways, pag dating namin sa dorm nila cheng, tulog pa sila! haha! gisingin lang namin, tapos umalis na kami! =D after nun, bumalik na kami, medyo maliwanag na. While waiting for the food, andun si mico sa labas, nagkwentuhan kaming tatlo, tapos nakita din namin gising na si sir ang! whahaha =)) after nun, balik sa room tapos..

Breakfast 7am to 8am...

Food:
  • Ham
  • Egg
  • Soup * may lasa pa *
Quiz Number One 8am to 9:30am...

kala ng lahat isang quiz lang! un pala, tatlo! dalawang papers sa number theory, tapos isang paper sa induction! wahh! yung test, may iba nasagutan ako, pero mahirap eh!! onga pala, may nakakatawang nangyari dito, ung proctor namin, si ms. tibi, linagay ako sa corner ng table, nakakapagtaka kasi parang mas makikita pa ung paper ko pag ganun position ko instead na nasa normal position ako! =p after ng test, siyempre, discussion ng mga answers! =D

*PERFECT SI MICO SA INDUCTION QUIZ! 100/100 LUPIT TALAGA! *

Break 9:30am to 10am...

Bumalik lang ako sa room, tapos bumalik na agad sa class!

Third Session 10:00am to 12:00nn... * pero naging 12:15pm *
Teacher: Sir Frederick Buiza * wahahahaha *
Lesson: Algebra

wala lang, nakakatamad tong session na to! tahimik lang nga ako eh, pero siyempre di ko maiwasan na gumawa ng mga unnecessary comments eh.. si sir buiza kasi teacher eh.. pero siyempre mas malala pa rin ung mga hirit ni bhojwani, ung mga tipong " sir! sana nagdala talaga ako ng unan dito eh, kasi pwede palang matulog! " haha! anyways, ayos naman tong session na to! pero nagalit si sir buiza eh! haha! after class, pinalo pa ako! maingay daw ako, kahit hindi naman! haha! =D may dalawang assignment na binigay! wahhh!

Lunch 12:00nn to 1pm...
Food
* nakalumutan ko na ung food eh, konti lang kinain ko dito, yun ang naaalala ko! *

Fourth Session 1pm to 3pm...
Teacher: Sir Simon Chua
Lesson: Trigonometry

"This is the first time MTG will teach trigonometry because in china olympiads and the ARML, trigo problems are very common." ito ang unang sinabi ni Chu pagpasok niya ng class, hehe!=p para sa akin, ito ung pinakamasyang session eh, kasi first, si Chu ang teacher eh, tapos ok pa yung topic.. kaso nga lang, ako pinagiinitan ni Chu eh.. lagi nalang ako nakikita! haha! kung hindi ako, si stephen! hahaha! =D ayos naman tong session na to! may dalawang assignment na binigay! due bukas! wahh!

Break 3pm to 3:30pm...

bumalik lang ako ng saglit sa room, tapos balik agad classroom!

Fifth Session 3:30pm to 5:30pm...
Teacher: Mr. Gayangos
Lesson: Geometry

Boring tong session na to! kasi yung geom na tinuturo ibang klase eh.. parang puzzle type, ikot ikot mo lang ung mga parts makukuha mo yung answer! hehe! so parang logic lang to! hindi geometry! hahaha! tapos meron pang binigay na tatlong assignment.

7 assignments! due tomorrow! wahh! =C ang dami!!

* after ng session na ito, hinahunting na daw ako ni dok chu! kami daw yung nagmiss call sa kanya... its either renard or stephen! --> sabi ni dok chu! *

Study Time 5:30 pm to 6pm...

During this time, hindi ako nag-aral, nakipagkwentuhan lang!

Dinner Time 6pm to 7pm...

Food
  • Burger Steak
  • Spaghetti
  • Marshmallow
* jollibee menu to! - sir buiza *

Quiz Number Two 7pm to 8:30pm...

Three sheets din ang test, dalawang paper tungkol sa geom, isa tungkol sa trigo, mahirap lahat, pero thank god may mga tama din naman akong sagot! hehehe! yun lang.. mas mahirap tong test na ito, kasi yung isang paper mahirap eh.. yung dalawang paper, di masyado mahirap, but still mahirap pa din! =D

Visiting Hour 8:30pm to 9:30pm...

Woah! First thing na ginawa namin is discuss answers! then, lumabas ako room, nakipagchismisan kay buiza, tapos nakita din namin na may mga taong nagtetest ng sudoku, proctor nila si sir ang! haha! after that, balik room, gawa homework! hehe! =D mga 11:30pm natulog na ako! =D

* during the time na wala ako sa room, pumunta daw si Chu sa room, hinahanap ako, tapos bago siya umalis sinabi niya na dapat daw lagyan ng cockroach yung bed ko! whahahaha! =P *

-- End of Second Day --

birthday pala ni annie ngayon..

mga 50 foul words more or less pa rin si jeremy! hehe! =p

Ingat!
Godbless!

Day one!

April 9, 2006 * Sunday *
Last inhouse ko na to bilang isang high school student! graduate na sa mtg! hehe =D

Outfit ko:
  • Red na JAG shirt
  • Maong Pants
  • White k-swiss shoes

Nagising ako ng 6am upang magprepare para umalis papuntang St. Michael's Retreat House sa Antipolo City! At around 7am, dumating ako ng SSHS, tapos umalis na kami, kasama ko sa car ay si Calvin, Stephen at Sean, ung ibang stephenians sumakay sa car ng school. Nung papunta na kami, kwentuhan lang, tapos yun, at around 8am, andun na kami sa place!

Pagdating namin, andun na si emon, jeremy,joanna, mr. buiza,bhojwani etc. haha! =D

Dito din namin nalaman ung section

Sa 3-Newton : ako, stephen, davin, jonathan, alvin, nellie, abegail, bhojwani, EC, aileen, minerva, chiara, claudia, andrew, jeffrey...

Sa 3-Euler: jeremy, emon, DA, darren, calvin, mico, tin, virgil, ramon, jm, joanna, luke, ej, pang, anapat, mark tan...

madami ng tao! after nun, lakad lakad tapos kwentuhan, hehe! =D at around 10am, nagstart ung mass, tapos 11:00 nagopening ceremonies. buong opening ceremonies, nagdadaldalan lang kami, pinapagalitan pa nga kami ni ms. tibi eh. after nun, at around 12, lunch time na

Lunch 12:00nn to 1:00pm
Food nung Lunch:
  • Chicken * sabi ni bhoj, nagin-house din daw yung mga chicken *
  • Veggies
  • pancit
  • soup * may lasa pa *

and after that 1pm na which means.. First Session na!

First Session 1:00pm to 3:00pm..
Teacher: Mrs. Sy-Tan
Lesson: Number Theory

Ayos naman tong session na to! kaso ung location pangit, kasi nasa isang room kami, tapos ung 3-euler nasa kabilang half, 3-newton nasa kabilang half! haha! so parang ung mga teachers, pwedeng magpalakasan ng boses! haha! =D tapos isa pa, nung start, walang tables, puro chairs lang! pano kami magsosolve!! so ginamit ni Mrs. Sy-Tan ung first 45 minutes to teach, then used the next 45 minutes to let us solve some problems, then after that used to last 30 minutes to discuss the answers! =) ok naman yung lesson! =D Ayos tong session na to, kasi walang assignment na binigay! =D

Break 3:00pm to 4:30pm

Next is kinuha ko yung bag ko, after nun, nalaman ko nasa private room 3 daw ako! woah! ayaw ko dun! kasi magiging karoom ko si sensation! buti nalang, may nakipagpalit sa akin, si ramon! kaya siya na dun sa private room 3, kasi lahat ng pisay nandun, tapos ako naman sa dorm down! kasama ko na sila darren,davin,mico,jonathan,emon,jeremy,da,ej, ayos! kwentuhan lang sa room about isang topic! masaya un! hehe! btw, may room nga plang iba si ! hehe!=D

Second session 4:30pm to 6:30pm
Teacher: Sir Arvee ng PIQC
Lesson: Mathematical Induction

Ayos din tong session na to, btw, lumipat na pala kami ng class, hehe!=D problema ang init ng classroom, masikip pa, itong session na to! nakisisik lang ako kasi wala ng lugar eh.. =D Basta, itong session na to, puro solving lang, tapos nagkwkwento si sir arvee tungkol sa buhay niya, graduate siya ng bs physics sa diliman, pero math tinuturo niya! haha! =D astig! after ng session, nagbigay siya ng apat na assignment! due tomorrow! wahh!!

Dinner 6:30pm to 7:30pm
  • Food:
  • Shanghai Rolls
  • Beef
  • Soup * may lasa pa din *
* ito na yung pinakamasarap na meal sa buong in-house, para sa akin! *

Socialization 7:30 to 9pm

during this time, nasa room lang kami, nagkwkwentuhan, tapos biglang pumasok si sir ang sa kwarto! wahh! punta daw kami ng socialization, so wala kaming choice, lumabas kami. after nun, ang boring so ang ginawa namin, pumunta kami sa room nila stephen, tapos nagkwentuha.. with johann, jeremy, sean, calvin, dumating din pala si emon, DA, chaka virgil.habang nagkwkwentuhan, naglaro kami ni sean ng pusoy-dos! race to 10.. one on one! talo siya 10-4! haha! =D after nun bumalik na ako ng room, gawa assignments, shower tapos kwentuhan, around 11:30 natulog na ako! kasi binisita na kami ni sir ang eh! =D

*during this time, gusto nga pala malaman ni jeremy yung cell number ni mia carino!*

-End of Day One-

50 foul words ata si jeremy ngayon eh! estimation lang yan!

yun lang..

Ingat! God Bless!

schedule ng last inhouse ko!

April 9 Day 1 (Sunday)
A.M. 07:30 – 10:00 – Registration
10:00 – 11:00 – Opening Ceremonies
11:00 – 12:00 – Fixing Individual Room
P.M. 12:00 – 01:00 – Lunch
01:00 – 03:00 – First Session
03:00 – 03:30 – Break/Rest
03:30 – 05:30 – Second Session
05:30 – 06:30 – Study Hour
06:30 – 07:30 – Dinner
07:30 – 09:00 – Socialization
09:00 – Sleeping Time

April 10 Day 2 (Monday)
A.M. 07:00 – 08:00 – Breakfast
08:00 – 09:30 – Quiz # 1
09:30 – 10:00 – Break/Rest
10:00 – 12:00 – Third Session
P.M. 12:00 – 01:00 – Lunch
01:00 – 03:00 – Fourth Session
03:00 – 03:30 – Rest
03:30 – 05:30 – Fifth Session
05:30 – 06:00 – Study Hour
06:00 – 07:00 – Dinner
07:00 – 08:30 – Quiz # 2
08:30 – 09:30 – Visiting Hour
09:30 – Sleeping Time

April 11 Day 3 (Tuesday)
A.M. 06:30 – 07:30 – Breakfast
07:30 – 09:30 – Sixth Session
09:30 – 10:00 – Break/Rest
10:00 – 12:00 – Seventh Session
P.M. 12:00 – 01:00 – Lunch
01:00 – 02:00 – Study Hour
02:00 – 05:00 – Quiz #3
05:00 – 06:00 – Visiting Hour
06:00 – 07:00 – Dinner
07:00 – 09:00 – Eighth Session
09:00 – Sleeping Time

April 12 Day 4 (Wednesday)
A.M. 06:30 – 07:00 – Breakfast
07:00 – 08:00 – Study Hour
08:00 – 09:00 – Final Exam – Part 1
09:00 – 09:30 – Rest
09:30 – 11:00 – Final Exam – Part 2
11:00 - 12:00 - Preparation for Cultural Presentation
P.M. 12:00 – 01:00 – Lunch
01:00 – 03:00 – Cultural Presentation
03:00 – 04:00 - Free Time
04:00 - 06:00 - Closing Ceremonies

Friday, April 07, 2006

Fontana Trip!

pumunta ako ng fontana nung april 3 hanggang april 5! :D

day 1 - april 3

pumunta ako ng school around 9 am.. lahat sila andun na! haha! then at around 10 am, dumating na car ni calvin, after that, umalis na kami papuntang fontana! hehe! :D

around 11 am, nagstop over kami ng gas station para kumain! (labo noh? gas station, tapos kakain! haha!)

kumain ako sa kfc! which cost me 120php!
ito kinain ku!

isang 1pc. chicken meal
upsize ung drink
isang chicken steak
isang extra rice
haha!:)

tapos.. around 12noon, tapos na kami kumain.. umalis na uli kami.. and around 1pm, andun na kami..

while they are checking-in, we went to the basketball court, tapos nakipaglaro kami sa mga nag-lalaro dun! may isang magaling dun.. ( orange short guy tawag namin ) hehe!

then after that, we went inside our villa! number 4904 .. nasa a2! (sabi ni hans sa akin, bago daw ung villa, eh sa pagkakaalam ko lahat yan andyan na since nung pagbukas ng fontana diba? hehe!)

tapos, habang nag-aayos sila ng mga gamit, si cheng at yours truly ay nagrerelax lang.. hehe!:D tapos we spent the whole afternoon playing.. tapos mga 5pm, we went to the basketball court, tapos may naglalaro (sumali si cheng and calvin) hehe! andun si DATU! :)) alam niyo na un! then we ate dinner, naaalala ko pa ung pagkain, ung soup na may mushroom.. hehe!:D after nun, pumunta kami sa clubhouse kasi sabi ni hans may billiards daw, un pala wala! so again, we went back to the villa, get the basketball, and went back to the basketball court!!... tapos nun, andun si orange short guy and his gang and they challenged us to play basketball! ung first game, we won but the second game we lost 11-12! after the game, i am happy that i have learned something!

LARONG KALYE!
1. No Foul Counted.
2.Every shot made is 1 point, kahit gaano kalayo.

hehe!!

after the game, we went back, nagshower ako,tapos wala akong ginagwa, then at around 11 pm, lumabas si hans katrina at jessalyn! haha!

tapos at around 11:15, lumabas din kami ( cheng ako jackmon calvin) kasi wala na talagang magawa! (CIARA IS PLAYING TEKKEN, WE CAN'T USE THE PLAYSTATION2!! ) , we saw hans sa bus stop kasama ung dalawa.. tapos naglakad lakad pa kami, sumama si katrina sa amin, tapos nung pabalik na kami, sumama uli siya kay hans.. tapos un...

pagbalik namin.. wala.. kwentuhan kami.. nagbasa ako ng bible! after nun, mga 1:30 am na ata.. di pa rin ako inaantok! tapos wala pa rin sila sa villa! whahaha:)) then at around 2:30 na ata un eh, dumating na sila.. then pag dating nila.. nagps2 kami ni cheng! (talo siya sa akin sa fight night round 3! haha!) then may mga nangyari pa na ayaw kong sabihin dito.. hehe! tapos after nun, mga 4:30 am, lumabas uli sila hans! wahahhaha:)) ginawa ko natulog na ako sa sofa, tapos nagising na lang me ng around 8:30 am! hehehe!

day 2!

after i woke up, pumunta lang ako sa room, wala lang, nakipagkwentuhan, tapos may mga nangyari pa na ayaw ko ng ikwento, hehe! then after nun, at around 11am, we went to the water park na, we walked lang, kasi si hans chaka jamella di sumama eh.. natutulog silang dalwa sa villa.. yun.. then sa water park, siyempre obvious ginawa, nagpakasaya sa tubig! hehe! pero may tanung si cheng sa akin eh...

BAKIT MARAMING TAO GUSTO SA MGA WATER PARK EH ITO AY ISA SA MGA PINAKAMADUMING LUGAR? diba? haha! uu naman.. may point siya dun!

then at around 1:30pm, dumating si hans, sabi niya kain muna, balik nalang daw later.. so bumalik kami tapos natulog ako agad.. pag gising ko around 2:30.. tapos na kumain lahat, konting food nalang natira sa akin, so kumain ako.. after nun, dumating si diaz! haha! calvin is going home na.. huuhuu! after nun, i went back to sleep, tapos around 4, may nanggising sa akin, punta daw uli ng water park, hehe! ayaw ko na dapat sumama eh.. eh lahat sila pupunta so no choice! :) hehe! (dun ko din nalaman, talo si cheng kay diaz sa fight night!) after nun, nagwater park uli kami, tatlo kami ( ako cheng jackmon) magkasama.. nawala mga girls eh.. hehe! tapos sa wave pool nalang uli nagkita.. then after that, uwi na uli..

after shower, kumain ng dinner(sinigang at porkchops), tapos nun, naglakad lakad kami sa labas.. hehe! :D alam na natin yun.. hehe! after that, bumalik kami.. si cheng ay natorture ng mga babae, buti nalang ako nasa room, tapos nung lumabas ako kumain lang ako at bumalik agad sa room, ayaw ko kasi matorture eh... hehe! :D marami pa ngyari, ayaw ko na ikwento eh.. hehe! then at around 12, makakagamit na uli ako ng ps2, kasi parang 6 hours ng gamit ni ciara ung ps2 eh.. yun, naglaro kami ni jackmon (talo din siya!) hanggang mga 1:30 tapos natulog na ako!.. may mga nangyari din during that time na ayaw ko na ikwento..

day 3!

11:00 am na ako nagising nung last day! hehe! pag gising ko, nagshower na ako! tapos nagbihis at nagayos ng gamit ko, then eat lunch then uwi na! hehe! yun lang..

dumating kami sa school around 3pm!
kumain me sa mcdo!

1pc chicken mcdo meal..
1spaghetti
large coke
sundae cone

after nun, we played freestyle sa stop and play.. tapos uwi na ako!

end of fontana trip..

++ sa mga taong gustong malaman ung buong kwento, tanung niyo sa akin ++

next trip is inhouse na! april 9 to 13 sa antipolo! woohoo! hehehe!

sige till here nalang...

thanks for wasting ur time reading this stupid post of mine..
haha!!

Godbless!

ingat!!

happy birthday uli EJ!

events after the intersection na....

march 24..

baccalaureate namin..

wala lang..

pumunta lang kami school..

attend service..

tapos after..

kainan.. alumni welcome party..

un lang.. tapus na!

hehe! after nun, nakipaglaro ako kay clarence, ps2! hehe!

next day, march 25 na!

HAPPY BIRTHDAY Elrich! hehehe!!

prom day na rin! hehe!!

hehe! un lang..

prom..

masaya ang prom..

nanalo pa ako.. wahhh!! asa ako!!

hehe! =p

after prom, punta kami kila clarence overnight!
hehe!!=D

masaya din...

uhmmm...

around 7 am na ako natulog.. wala lang..

hehe! kung anu anu pinaggagawa!! =0

after nun, umuwi na aku! hehe!

Pero nung hinatid namin si jed,

may nakita kaming tornado ng mga plastic bags! haha!

chaka bumili kami ng 15 pesos na poster nakasulat: MICKHAEL JORDAN! =D siyempre andun din face niya (michael ah! lol=p)!

haha!!

march 30 na!

graduation day!

hehe!! wala lang..

masaya naman.. naka abot pa ako ng top 8!

honorable mention pa!

pwede na.. considering ako ung isa sa mga unang tinamaan ng senior's syndrome!

=))

congrats nga pala sa mga top ng batch namin!

calvin rc sannie sharm stephen! =)

after ng graduation, punta sa president's kumain.. hehe!!

after nun, punta starbucks kasama si cheng, jackmon, hans, norben, elrich..

tapos bili ako cd tapos uwi na ako! =)

march 31...

pumunta ako school para sunduin si hans..

tapos sabay kami pumunta ng ateneo para magconfirm..

after mag-confirm.. kumain kami sa kfc..

tapos umuwi na..

hehe!!

june 19 pa pasukan ateneo! ayos! haha! matagal pa ang bakayon!! =D
--end na--

God Bless! ingatz! =D

-part 2- all about the intersection - hehe!

march 20..

today is the start ng intersection tournament!
schedule namin
10:30am vs. red
2:30pm vs. orange


6:30 am nasa school na ako..

since before ng inter-section.. magmamakeup test muna ako ng..

FILIPINO FINAL EXAM!

haha!

so mga 7 ay nagtest na kami.. kasama ko si calvin chaka si sean.. tapos biglang nagcall ng meeting, so naputol ung test namin.. we waited for almost 1 hour! .. tapos bago bumalik si mam adapon..

btw,, sa middle ng waiting time namin.. pumunta kami sa opening ng intersection hehe!

short lang ung test eh.. feel ko naman pasado ako.. pero di mataas.. marami ako di alam eh!=p

after nun..

pumunta na ako ng
elem gym.. para manood ng 1st game ng intersection..

1st morning game
blue vs orange..
nanalo orange.. :D

2nd morning game
green vs yellow..
nanalo yellow.. :D

3rd morning game
violet vs red..

hhmmm.. sayang tong game na to! we lost by 2 pts lang!
halftime score is 16-32 lamang sila.. woah!!
tambak kami noh?!
haha!
pero nakahabol kami ng 3rd quarter...

we even led 41-40 nung 4th quarter eh..
tapos

sayang.. ung isang crucial play.. badpass sana tie pa!

hehe! uki lang naman!

at least masaya!


--- LUNCH BREAK --- nilibre kami ng family ni laki.. baked mac at garlic bread! =D

afternoon games..

1st afternoon game..
blue vs green..
nanalo ang blue 2pts!

hehe! shocking win! kasi di naman ineexpect na mananalo ang blue eh!

after the game.. galit si elrich! hahaha!! =))

2nd afternoon game..
violet vs orange..
nanalo ang violet! 2pts!

hehe! 1st win! ayos! hahaha! nainjure kasi ni clarence si jepoy 1st quarter eh..

3rd afternoon game..
red vs yellow..
nanalo ang red.. =D in Overtime!

ang ganda ng laro.. natalo sa huli ung yellow, kasi napulikat na si kingsu!

end ng day 1!

Standings as of march 20
win-loss
Red 2-0
Violet 1-1
Blue 1-1
Orange 1-1
Yellow 1-1
Green 0-2

Start of day 2
schedule namin
8:30 vs green
1:30 vs yellow

1st morning game..
green vs violet

talo kami 7 pts! sabog laro namin plus hindi naglaro si patrick! huuhuu! ok lang.. bawi na lang..
nainjure nga pala sa game na to si elrich!

2nd morning game..
yellow vs blue
panalo ang yellow =D

3rd morning game..
orange vs red
panalo ang orange =D

--- LUNCH BREAK ---

1st afternoon game..
violet vs yellow
tambak kami.. hehe!

pero ok lang.. ung 29pts naging 18pts.. at least medyo naayos namin ung laro namin nung huli.. dumating kasi si patrick eh!

2nd afternoon game..
green vs orange
panalo green.. winning streak na sila...
Tuwang-tuwa si elrich!
siya daw kasi sinunod ni jameson! whahaha:))

3rd afternoon game..
blue vs red
panalo red..

end of day 2!

standings as of march 21
Red 4-0
Yellow 3-1
Green 2-2
Orange 1-3
Violet 1-3
Blue 1-3

Start of day 3! last day na!
1st morning game
orange vs yellow
panalo orange..

binenta ng yellow eh!
haha!

2nd morning game
red vs green
panalo red

3rd morning game
violet vs blue
talo kami ng 2 pts!
wahh!!

natalo kami ni kenlin.. nafoul siya wala ng time..
tapos na shoot niya 2 free throws! =c

kung nanalo kami.. pasok sana kami battle for 3rd kasi...

-5 quotient namin eh..
-6 quotient ng orange..

wala eh.. talo kami .. so last place kami!

Final Standings ng elims!
Red 5-0
Yellow 3-2
Green 3-2
Orange 2-2
Blue 2-2
Violet 1-4

kulelat kami..

haha!

Battle for 3rd Green vs Orange
Finals Red vs Yellow

--- LUNCHBREAK ---

Battle for 3rd ... nanalo ang green.. hayop si jameson! hehe! =p

Finals.. nanalo ang yellow! 0 kasi score ng red after 1st quarter eh.. ang laki na agad ng lead ng yellow!

yun! -- The End--

hehe!

Mvp nga pala si thea..

tapos top 5 scorers sila louie, thea, jameson, kingsu, jepoy!

ung ibang awards limots ko na! haha! =))

nakapost na uli! - part 1 - hehe!

wow! hmm....

april 7 na ngayon!
happy birthday ej macabenta!

last post ko ay march 1 pa! hahaha!!

dami ko kasi ginagawa ehh.. hehe! kaya di ako nakakapagpost! hehe!

anyways.. try ko ikwento mga nangyari sa akin between march 1 hanggang april 7..

hmmm....

after nung sinabi ko na sa hs gym ung JS.. hindi natuloy yun sa hs gym!
but still natuloy iyon..
pero naging afternoon na.. at sa stephenian hall ung venue..

ok naman ang program.. hehe! pero sa totoo lang! natutuwa ako kasi hindi nakakaiyak..


pero special mention kay CLARENCE NICOLE VIRTUDAZO!
astig ung performance niya ng high chaka with a smile! wakeke!
astig din ung speech niya! haha!

after niyan...

EXAMs naa!!
last 5 days ko sa St.Stephen's =c

march 13...

wala lang.. nagtest kami ng english at physics..
the test was ok!

march 14...

dapat math and filipino ang test namin..
pero since magtatake kami ng apmo...

we are exempted sa math!! hehe!

punta kami ateneo for the apmo!

march 15...

i took my economics exam!

tapos nagtook din ako ng science standardized test na ang resulta ang hindi kanais-nais!
yan tuloy.. wala akong nakuhang medalya para dito!
hahaha!

march 16...

chinese exam day 1!

wala lang.. parang free time na lang talaga to sa akin eh....

hindi ako nag-aral.. hehe!!

pero pasado parin! =p < wahhahaha ="P">

march 17...

chinese exam day 2!

hindi rin ako nag-aral.. hehe!

pass pa rin ako! =p

after that, nag-attend ako dun sa senior's gimmick..

wala lang..

masaya naman..

naging mummy si norben..

tapos astig pa yung speaker.. galing mangimpersonate..
pastor dennis sy...

tapos may free food pa...

after nun, nakuha na namin ung white na jersey namin para sa intersection! woohoo!

after nun, we played basketball.. sa bahay ni patrick...


--- after this day... dapat graduate na aku... pero hindi pa eh ---

kasi i have to take may make-up test pa sa filipino on monday.. march 20! =)

march 18...

we played basketball sa perpetual... tapos wala kaming dalang bola.. wahhahaha!!

then nung hapon nun..

we played basketball sa ymca!

green vs. rainbow...

wala lang.. katuwaan lang.. para sa intersection.. hehe!

tapos..

after ng game namin sa ymca!

may mga G.I. naglalaro.. haha!

ang BUL*K nila.. mas magaling pa si jackmon, kesa sa kanilang lahat...

wala lang.. haha!

--end of part 1--